Rodriguez, MBA hardcourt Hero of the Week
October 9, 2001 | 12:00am
Ang pagkawala ni Bonel Balingit sa koponan ang siyang nagbukas ng pinto para sa oportunidad ng sentrong si Omanzie Rodriguez ng San Juan Knights upang magningning ito at patunayan sa kanyang sarili ang pagiging isa ng ganap na professional basketball cager.
Sa wakas, marami ng tao ang kumikilala sa produkto ng Mapua Institute of Technology sa NCAA bilang isang mahusay na defenders sa MBA.
At habang unti-unti niyang nakukuha ang respeto sa kanyang sarili bilang mahusay na defender, unti-unti ring nadedevelop ang opensa ng 6-foot-6 na si Rodriguez lalo na sa medium range jump shot na siya niyang ginagamit kung sakaling nado-double siya ng kanyang mga kalaban sa shaded area.
At ang kanyang di malilimutang husay sa pagsupalpal ng tira ng kanyang kalaban ang nagkaloob sa kanya ng palayaw na The Eraser" mula sa MBA television panel.
Ito ay kanya ring napatunayan na bawat shooter ng kabilang panig ay nagdadalawang-isip kung ibubulso o ipapasa na lamang ang bola sakaling si Rodriguez ang siyang bantay sa loob.
At sa kanilang huling tatlong panalo na naghatid sa San Juan sa liderato ng team standings sa kasalukuyang 2001 MBA Second Phase elimination sa kartang 5-1 win-loss, nagtala si Rodriguez ng kabuuang 17 supalpal.
Humakot rin siya ng siyam na blocks, kapos lamang ng isa para sa kanyang dating record na naitala sa kanilang 104-80 panalo kontra sa Nueva Ecija noong nakaraang Miyerkules bukod pa ang 15 puntos at 8-rebounds.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended