^

PSN Palaro

PBA Governors' Cup: SMB pinigil ng Shell

-
Kumawala sa ikalawang quarter ang Shell Velocity at pinigilan ang tangkang pagbangon ng defending champion San Miguel Beer tungo sa kanilang 95-85 panalo sa pag-usad ng PBA season-ending Governor’s Cup sa PhilSports Arena kagabi.

Di maaninag ang pormang pangkampeonato ng SMBeer nang hayaan nilang maibandera ng Turbo Chargers ang 23-puntos na kalamangan sa ikalawang quarter.

Pinangunahan ni import Askia Jones ang paghataw ng Shell sa naturang yugto sa paghakot ng 12 sa tinapos nitong 35-puntos, katu-ong sina Rob Wainwright at Michael Hrabak upang ibandera ang 45-22 kalamangan, 8:16 ang oras bago sumapit ang halftime.

"Like what I’ve told you guys before, we need others to help Ski (Jones) in scoring and Rob and Hrabak did it for us tonight," pahayag ni Shell coach Perry Ronquillo.

Nakalapit lamang ang Beermen ng hanggang anim na puntos, 91-85 sa huling 1:03 oras ng labanan ngunit umiskor ng dalawang free-throws si Jones mula sa foul ni Freddie Abuda na kanyang sinundan ng isang drive upang tuluyan nang madiskaril ang San Miguel.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Turbo Chargers at ikaapat sa kabuuang anim na pakikipaglaban habang nalasap naman ng SMBeer ang ikaapat na sunod na talo matapos magwagi sa kanilang unang dalawang laro.

Sa likod ng hataw kalabaw na performance ni import Lamont Strothers na tumapos ng 35-puntos, 28 sa second half, kinapos pa rin ang Beermen na nananatiling di nakaasa sa serbisyo ng injured pa ring si Danny Seigle.

"San Miguel terribly missed Danny Seigle. They are down with one scoring option but we know this team is capable of looking for options to win games," sabi ni Ronquillo.

ASKIA JONES

BEERMEN

DANNY SEIGLE

FREDDIE ABUDA

LAMONT STROTHERS

MICHAEL HRABAK

PERRY RONQUILLO

SAN MIGUEL

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with