PBA Governors' Cup: Shell nanalo laban sa Pop
October 6, 2001 | 12:00am
Nagsanib ng puwersa sina Mark Telan at import Askia Jones sa 10-0 blast sa kalagitnaan ng ikaapat na quarter na naging tuntungan ng Shell Velocity sa 90-83 panalo kontra sa Pop Cola Panthers sa pag-usad ng eliminations ng PBA season ending Governors Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Nilimitahan ng Turbo Chargers si Pop Cola import Rossell Ellis sa fourth quarter sa dalawang puntos na nagkaloob sa Shell ng ikalawang sunod na panalo at ikatlo sa limang laro.
Ang kabiguan ng Panthers ay pumutol sa kanilang four-game winning streak at naging dahilan ng kanilang pagdausdos sa 4-3 record.
Matapos umabante ang Shell sa 82-74, sinikap ni Johnny Abarrientos na iangat ang Panthers ngunit muling lumayo ang Turbo Chargers sa 86-76, 1:09 na lamang ang oras sa laro.
Pinangunahan ni Jones ang Shell sa kanyang 34 puntos kasunod si Telan na tumapos ng 17.
"It wasnt a particularly beautiful win for us but well take it," ani Shell coach Perry Ronquillo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest