^

PSN Palaro

Korona tutudlain ng Archers, payag kaya ang Ateneo?

-
Makubra ang ikaapat na sunod na titulo ang misyon ng defending champion De La Salle University habang maipuwersa ang winner-take-all match ang layunin ng karibal na Ateneo de Manila University.

Alin sa dalawang ito ang magkakaroon ng kaganapan sa pagpinid ngayon ng Game Two ng UAAP men’s basketball tournament finals na gaganapin sa Araneta Coliseum, sa alas-5 ng hapon.

Taglay na ng La Salle ang bentaheng 1-0 kala-mangan sa best-of-three matapos ang 74-68 pamamayani sa pagbubukas ng serye noong nakaraang Huwebes sa Big Dome din.

Dahil dito, kung magtatagumpay ngayon ang Archers ay matatapatan nila ang naitalang four-peat ng University of Santo Tomas.

May balitang naapektuhan ang kampo ng La Salle sa kumalat na virus sa La Salle Greenhills kamakalawa sanhi ng pagkakasakit ng 80% ng koponan. Nagsisimba ang buong team sa Greenhills tuwing Martes.

Dinala sa ospital ang mga naapektuhang players na kinabibilangan ng kanilang star players, ngunit kahapon ay nakalabas na ang ilan maliban na lamang kina Adonis Sta. Maria at Manny Ramos.

Kumalat ang balitang kanselado ang laro ngayon dahil sa naturang airborn viral flu, ngunit itinanggi, "the show must go on," ani UAAP president Anton Montinola ng host Far Eastern University.

Kung papalarin ang La Salle ay ito ang kanilang ikaanim na titulo sa pangkalahatan at ikaapat na sunod sa huling walong diretsong finals appearance.

Sa labang ito, malaki ang pag-asa ng Blue Eagles na maitabla ang serye dahil sa malaki ang kanilang bentaheng hawak dahil sa pagkakasakit ng karamihan sa mga players ng Archers bukod pa ang pagkakasuspindi ni Carlos Sharma.

Mauuna rito’y, hangad ding itiklop ng UST Tiger Cubs ang juniors finals sa kanilang pakikipagharap sa defending champion Ateneo Blue Eaglets sa pambungad na laban sa ganap na alas-3:30 ng hapon.

Sa ladies division, naisulong naman ng Lady Archers ang 1-0 bentahe kontra sa University of the Philippines matapos ang 56-53 pamamayani kahapon sa Ateneo Gym.

Samantala, magkakaroon naman ng awarding ceremonies bago simulan ang seniors finals kung saan ihahayag ang Most Valuable Player, Rookie of the Year at Mythical Five.

ADONIS STA

ANTON MONTINOLA

ARANETA COLISEUM

ATENEO BLUE EAGLETS

ATENEO GYM

BIG DOME

BLUE EAGLES

CARLOS SHARMA

DE LA SALLE UNIVERSITY

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with