^

PSN Palaro

1st PBL Championships: Ana sinorpresa ng Wang's Ballclub

-
Ginulantang ng Wang’s Ballclub ang Ana, 85-80 habang naitakas naman ng Blu Detergent ang 78-60 kontra sa Silka upang makalapit sa semifinals ng 1st PBL Open Invitational Championship sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Dolphy Eilinger ang Wang’s Ballclub sa paghakot ng 15-puntos na sinuportahan naman ng 13 ni Fil-Am Miguel Noble.

Tulad ng Wang’s Ballclub, isang panalo na lamang ang kailangan ng Shark para makapasok sa semis matapos ang 74-64 pananalasa sa Tranfex Brokerage para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Ito rin ang ikalawang sunod na panalo ng Wang’s Ballclub habang nalasap naman ng Ana ang kanilang unang pagkatalo sa tatlong laro na naging dahilan para masayang ang impresibong laro ni Roland Pascual na tumapos ng 31 puntos, 13 rebounds, 3 assists at 3 steals.

Pinangunahan naman ni Egay Billones ang Blu sa paghakot ng 12-puntos sa final quarter para sa ikatlong sunod na panalo ng Detergent Kings.

vuukle comment

BALLCLUB

BLU DETERGENT

DETERGENT KINGS

DOLPHY EILINGER

EGAY BILLONES

FIL-AM MIGUEL NOBLE

MAKATI COLISEUM

OPEN INVITATIONAL CHAMPIONSHIP

PINANGUNAHAN

ROLAND PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with