^

PSN Palaro

Pagtuunan ang sports para malaki ang tsansa sa ginto

-
Pagtuunan ang sports na may malaking tsansa sa gintong medalya.

Ito ang nais ng Kongreso na gawin ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Nakipagkita kahapon si rep. Monico Puentevella, House committee on youth and sports chairman, kina POC president Celso Dayrit at PSC Chairman Carlos ‘Butch’ Tuason.

"The committee told us prioritize which sports should be given preferantial treatment, to push through with grassroots development and identify the athletes who would form the core of our National teams," pahayag ni Tuason.

Napagdesisyunan ito ng House of Representatives matapos pag-aralan ang naging kampanya ng bansa sa nakaraang Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang athletics, ang may pinakamaraming gold medal na nakuha sumunod ang taekwondo, wushu, billiards at bowling at ito ang mga sports na inaasahang makakakuha ng magandang treatment mula sa gobyerno.

Ayon kay Tuason, ang mga sports na walang produksiyon ay babawasan ng stipend.

Hindi naman maipagkakaloob ang hinihinging P249 milyong budget ng PSC mula sa pamahalaan.

Ayon kay Puentevella, P110 milyon lamang ang kanilang kayang ibigay para sa sports, dahil prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon at budget ng Defense.

Samantala, nakatakda nang desisyunan ngayon ang isyu tungkol sa wala pa ring tigil na agawan sa liderato sa BAP sa General Assembly ng Philippine Olympic Committee sa Philippine Columbian Association sa alauna ng hapon.

Inaasahang ipri-presinta ni POC president Celso Dayrit ang usapin tungkol sa BAP sa 41-member associations.

Sa iba pang balita, nagka-roon naman ng memorandum of agreement ang wushu federation at Philippine Sports Commission para sa pagpapatayo ng dalawang palapag na training center sa itaas ng Center for Sports Medicine sa loob ng Rizal Memorial Coliseum.

Ang naturang building ay may lawak na 1200 square meters at magkasalong popondohan ito ng wushu at ng naturang ahensiya.

Tinatayang P18 milyon ang gagastusin sa pagpapatayo ng gusali at may P.5 milyon reinbursement ang wushu federation kada-buwan mula sa PSC.

AYON

CELSO DAYRIT

CHAIRMAN CARLOS

GENERAL ASSEMBLY

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KUALA LUMPUR

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SPORTS

TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with