"If there is no continuity, nothing will happen," pahayag ni Elma Muros-Posadas kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn kung saan kasama nito ang iba pang gold medalists sa nakaraang Kuala Lumpur Sea Games kabilang na ang wushu at taekwondo athletes.
"We need continuity in our sports program like what our officials have done during the days of the Project Gintong Alay in the 80s. Tuloy-tuloy ang training ng athletes noon at tuloy-tuloy din ang recruitment," dagdag pa ni Muros-Posadas. "Kagaya ko, I was discovered at the Palarong Pambansa."
Sinabi ng 34-gulang na tubong Romblon, may walong long jump gold medals sa SEA Games, na may tinatayang 800 atleta ang nasa National pool--lahat nang ito ay pinapakain, binibigyan ng tirahan, pinagsasanay at pinapasu-weldo ng gobyerno. Ngunit para kay Muros-Posadas ay hindi ito ang solusyon.
Ang iba pang gold medalists na dumalo sa forum ay sina Eduardo Buenavista, John Lozada, Ernie Candelario, Roy Vence at Fidel Gallenero ng athletics, Jerome Calica at Marques Sanguiao ng wushu. Ma. Nelia Sy-Ycasas at Veronica Domingo ng taekwondo.
Sinabi naman ni Sy-Ycasas, pangulo ng Philippine Amateur Athletes Federation Inc., na ang mga internal problems sa pagitan ng mga pinuno ng asosasyon ay hindi nakakatulong sa mga atleta.
"Its a big factor because the athletes are the ones being caught in the crossfire, mahirap mag-training kung magulo ang leaders," ani Ycasas.
"Kung hindi ang athletes ang ipra-priority ng mga leaders, sa kanila babalik ang problema. Mas malaki pa," dagdag pa ni Muros na bagamat nakapagpahayag na ng kanyang pagreretiro ay para sa kanya, nais pa niyang makapaglaro. "Parang nasa puso ko pa kasi. Pero lilipas din tayo. Iyon, tanggap ko na."