^

PSN Palaro

Tuloy-tuloy na insentibo ang susi sa tagumpay

-
Ang tuloy-tuloy na insentibo at gastusan ng husto ang sports development program ay maaaring makasiguro ng tagumpay ng mga kasalukuyan at hinaharap na atletang Pilipino sa iba’t ibang international competition gaya ng Southeast Asian Games, Asian Games at Olympics.

"If there is no continuity, nothing will happen," pahayag ni Elma Muros-Posadas kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn kung saan kasama nito ang iba pang gold medalists sa nakaraang Kuala Lumpur Sea Games kabilang na ang wushu at taekwondo athletes.

"We need continuity in our sports program like what our officials have done during the days of the Project Gintong Alay in the ’80s. Tuloy-tuloy ang training ng athletes noon at tuloy-tuloy din ang recruitment," dagdag pa ni Muros-Posadas. "Kagaya ko, I was discovered at the Palarong Pambansa."

Sinabi ng 34-gulang na tubong Romblon, may walong long jump gold medals sa SEA Games, na may tinatayang 800 atleta ang nasa National pool--lahat nang ito ay pinapakain, binibigyan ng tirahan, pinagsasanay at pinapasu-weldo ng gobyerno. Ngunit para kay Muros-Posadas ay hindi ito ang solusyon.

Ang iba pang gold medalists na dumalo sa forum ay sina Eduardo Buenavista, John Lozada, Ernie Candelario, Roy Vence at Fidel Gallenero ng athletics, Jerome Calica at Marques Sanguiao ng wushu. Ma. Nelia Sy-Ycasas at Veronica Domingo ng taekwondo.

Sinabi naman ni Sy-Ycasas, pangulo ng Philippine Amateur Athletes Federation Inc., na ang mga internal problems sa pagitan ng mga pinuno ng asosasyon ay hindi nakakatulong sa mga atleta.

"It’s a big factor because the athletes are the ones being caught in the crossfire, mahirap mag-training kung magulo ang leaders," ani Ycasas.

"Kung hindi ang athletes ang ipra-priority ng mga leaders, sa kanila babalik ang problema. Mas malaki pa," dagdag pa ni Muros na bagamat nakapagpahayag na ng kanyang pagreretiro ay para sa kanya, nais pa niyang makapaglaro. "Parang nasa puso ko pa kasi. Pero lilipas din tayo. Iyon, tanggap ko na."

ASIAN GAMES

EDUARDO BUENAVISTA

ELMA MUROS-POSADAS

ERNIE CANDELARIO

FIDEL GALLENERO

HOLIDAY INN

JEROME CALICA

JOHN LOZADA

KUALA LUMPUR SEA GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with