^

PSN Palaro

1st PBL Open Invitational: Blu, Ana nangibabaw

-
Ipinadama ng Blu Detergent at Ana Freezers ang kanilang pangingibabaw nang manalo sa kani-kanilang kalaban kahapon sa pagpapatuloy ng 1st PBL Open Invitational sa Makati Coliseum.

Ginawang tuntungan ng Detergent Kings ang kanilang itinalang 46-39 kalamangan sa halftime sa likod ng mahusay na performance nina Edwin Bacani at Egay Billiones upang hatakin ang 70-57 bentahe sa pagtatapos ng third canto.

Mula dito, hindi na binitiwan ng Blu ang kanilang kalamangan kung saan maraming ulit itong lumobo sa 18 puntos na ang huli ay sa 87-61, 1:51 ang oras upang iseguro ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay matapos ang 66-55 panalo kontra sa Sureshot Sports Management sa opening game noong Linggo.

Sa iba pang laro, nakalusot din ang kulang sa tao na Ana Freezers sa Transfex 98-81 para manguna sa Group B at tinalo ng Hapee Toothpaste ang Silka, 90-49.
vuukle comment

ANA FREEZERS

BLU DETERGENT

DETERGENT KINGS

EDWIN BACANI

EGAY BILLIONES

GROUP B

HAPEE TOOTHPASTE

MAKATI COLISEUM

OPEN INVITATIONAL

SURESHOT SPORTS MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with