^

PSN Palaro

Milo Marathon dadayo sa Gen. Santos City

-
Dahil sa mahigpit na seguridad, hindi natuloy ang nakatakdang Milo marathon regional leg sa General Santos City sa South Cotabato, Mindanao.

Ngunit ngayon, kakaiba na ang istorya. At sa tulong ng Philippine National Police sa Region 12, kumpiyansa na ang organizing Nestle Philippines sa peace and order condition ng rehiyon, kung kaya’t ang General Santos City, ang "tuna capital ng bansa" ang isa sa magiging host city ng 25th National Milo Marathon program na suportado ng Adidas.

"We are certainly happy that the Milo Marathon returns once again to our city and region as it will be an opportunity for our deserving local athletes to gain national prominence while at the same time be able to show that normal conditions exist in our city," said Mayor Pedro Acharon, Jr., na buo ang suporta maging ang provincial governments para sa nasabing karera.

Inaasahang hahakot ang General Santos 10K qualifying race at pinaikling 5K fun runs ng mga runners mula sa kalapit na probinsiya gaya ng Davao del Sur, Sultan Kudarat, Maguindanao, North Cotabato at host province na South Cotabato.

Ilan sa mga partisipanteng paaralan sa 5K inter-school competition ang General Santos National High School, Notre Dame High School, Mindanao State University, General Santos Polytechnic Colleges at Ramon Magsayay Colleges.

Ang regional race ay nakatakda sa Linggo, Sept. 30 at ito ay magsisimula sa City Oval Plaza sa eksaktong alas-6 ng umaga.

CITY OVAL PLAZA

GENERAL SANTOS

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS NATIONAL HIGH SCHOOL

GENERAL SANTOS POLYTECHNIC COLLEGES

MAYOR PEDRO ACHARON

MILO MARATHON

MINDANAO STATE UNIVERSITY

NATIONAL MILO MARATHON

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with