PBA Governor's Cup: SMBeer di umubra sa Pop Cola
September 23, 2001 | 12:00am
Naitakas ng Pop Cola Panthers ang 96-95 panalo kontra sa defending champion San Miguel Beer sa PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo kahapon.
Humantong ang laro sa overtime nang pumaltos ang pampanalong tres ni Dwight Lago na sana ay bumasag sa 84-pagtatabla.
Natigil ng halos 20-minuto ang laro dahil sa brown-out, 10:41 ang oras sa 4th quarter, 72-65 ang iskor pabor sa Pop Cola.
Bagamat umabante na ang San Miguel sa 90-95, umiskor ng basket si import Rossell Ellis at naikonekta naman ni Johnny Abarrientos ang isang tres upang itabla ang iskor sa 95-all.
Tuluyan nang nabawi ng Panthers ang bentahe sa 96-95, 5 segundo na lamang ang oras sa laro nang umiskor ng split shot si Nelson Asaytono mula sa loose-ball foul ni Freddie Abuda.
Nauwi sa wala ang ikalawang pagkakataong maibulsa ng Beermen ang panalo nang tumalbog lamang sa ring ang long jumper ni Freddie Abuda bago tumunog ang final score.
Sa iba pang balita, bilang kapalit ni Maurice Bell, kinuha ng Tanduay Gold Rhum si Billy Thomas buhat sa Kansas City, naglaro sa American Basketball Association.
Samantala, ikaapat na sunod na panalo naman ang tangkang sungkitin ng Sta. Lucia Realty sa kanilang nakatakdang pakikipagharap sa Shell Velocity sa ganap na alas:4:05 ng hapon sa pagbabalik aksiyon sa PhilSports Arena.
Kung magtatagumpay ang Realtors sa kanilang layunin ay muli nilang masosolo ang pangkalahatang pamumuno.
Sa ikalawang laro, magasasagupa naman ang Batang Red Bull at Tanduay Gold Rhum sa dakong alas-6:10 ng gabi. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended