^

PSN Palaro

UAAP Championship: Bulldogs kontra Green Archers para sa huling finals slot

-
Sa anumang liga o arena, ang paghaharap ng Ateneo at De La Salle University sa titulo ay maituturing na isang ‘dream match-up’ hindi lang ng mga fans kundi maging ng mga alumni.

Ito ay maaaring mangyari, kailangan ng Green Archers na gulatin ang National University Bulldogs na nasa kanilang kauna-unahang Final Four appearance at hindi pa ito nananalo ng titulo simula noong 1954.

Habang paborito ang defending champions na mapasabak para sa kanilang ikawalong sunod na finals stint at magtatangka sa kanilang ika-apat na dikit na korona, nakakuha naman ang Bulldogs ng parehas na suporta, maging sa mga kalaban na paaralan, dahil sa isang simpleng dahilan na ang dating ‘whipping boys’ ng UAAP basketball ay nakatuntong na rin sa Final Four.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Bulldogs upang mapasama sa Final Four noong nakaraan season, ngunit nabigo sila sa kanilang huling limang laban na siyang tumapos ng kanilang kampanya sa 4-10.

Umentra naman ang DLSU sa semis round nang may impresibong record na 11-2 sa double-elimination round.

Inaasahan na nasa panig ng DLSU ang pressure dahil pumasok ang NU Bulldogs sa semis round matapos ang kanilang pinaghirapang 108-102 panalo sa double overtime kontra sa University of the East kung saan kapwa ito tumapos ng tabla sa 7-7 karta.

Hindi rin matatawaran ang kakayahan ng NU dahil nagawa nilang bumangon sa second round matapos nilang talunin ang Green Archers, 84-81 matapos na makauna ang DLSU sa 88-87 panalo sa first round.

Ito ang isa sa ikinababahala ni coach Franz Pumaren kung kaya’t siguradong gagawa ito ng mas malalim na game plan upang di maunsiyami sa kanilang tangkang pagsungkit ng korona.

Nakasalalay sa mga balikat nina Ren Ren Ritualo, Mike Cortez, Willy Wilson, Manny Ramos, Adonis Sta. Maria at ng kontrobersiyal rookie na si Mark Cardona ang tagumpay ng Green Archers, tiyak na tatapatan naman ito ng mga bataan ni coach Manny Dandan na sina Chico Manabat, Froilan Baguion, Ariel de Castro, Alfie Grijaldo, Archen Cayabyab at Gilbert Neo.

Ang Ateneo ang kauna-unahang finalist makaraang talunin ang Far Eastern University, 67-63 noong Huwebes.

Ito rin bale ang kauna-unahang finals appearance ng Blue Eagles simula noong 1988 nang kanilang igupo ang Green Archers para sa korona.

Samantala, naisukbit ng University of the Philippines Pep squad ang ikatlong sunod na titulo sa cheering competition na ginanap sa punong-punong Araneta Coliseum.

Tumapos ng ikalawa at ikatlong puwesto ang Adamson at University of Santo Tomas, ayon sa pagkakasunod.

Sa iba pang laro, sisimulan ng FEU at Adamson ang kanilang kampanya sa semis series ng women’s division, habang tangka naman ng UST ang finals berth sa juniors kontra sa DLSU.

Kasalukuyan pang nilalaro ang semis ng defending champion Blue Eaglets at ng Adamson habang sinusulat ang balitang ito.

ADAMSON

ADONIS STA

ALFIE GRIJALDO

ANG ATENEO

ARANETA COLISEUM

ARCHEN CAYABYAB

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with