^

PSN Palaro

77th NCAA Basketball Tournament: Cardinals pinatalsik ng Stags

-
Sumingasing ang San Sebastian College sa huling maiinit na bahagi ng sagupaan upang patalsikin ang Mapua Institute of Technology sa iskor na 48-44 upang makopo ang unang finals slot sa 77th NCAA men’s basketball season sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang panalong ito ng Baste ang naghatid sa kanila sa ikalawang pagtapak sa finals ng Stags mula nang kanilang iposte ang makasaysayang five-peat noong 1997.

Ngunit hindi naging madali para sa Recto-based dribblers ang kanilang panalo kung saan kinailangan nilang dumaan sa butas ng karayom hanggang sa huling 16 segundo ng salpukan bago nila tuluyang nasungkit ang unang finals berth.

Tanging si Paul Gerard Reguerra lamang ang kumana ng double figures sa kanyang tinapos ng 10 puntos at limang rebounds, habang nasupil naman ang top scorer na si Mark Macapagal sa anim na puntos lamang.

Bumangon ang Mapua sa third quarter sa pamamagitan ng 10-0 bomba sa pagtutulungan nina Jeffrey Martin at Steve Marucot upang umahon sa 25-34 deficit at isara ang nasabing canto sa 35-34 kalamangan.

Nakuha naman ng San Beda Red Cubs ang unang finals berth matapos na pabagsakin ang San Sebastian Staglets, 72-69 sa junior division.

vuukle comment

BUMANGON

JEFFREY MARTIN

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARK MACAPAGAL

PAUL GERARD REGUERRA

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA RED CUBS

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SAN SEBASTIAN STAGLETS

STEVE MARUCOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with