...pero sa PABA, nilampaso ng NAvy
September 18, 2001 | 12:00am
Nilampaso ng defending champion Navy ang Ateneo, 10-2 noong Linggo upang makuha ang huling finals berth sa pagsasara ng elimination ng 12th PABA Presidential Cup tournament sa Rizal Ballpark.
Agad na humataw ang Sea Dragons, naghahangad na maidepensa ang kanilang titulo sa ikaapat na sunod na taon ng tig-tatlong runs sa third at fourth innings bago muling umiskor ang Sea Dragons ng dalawa pa upang tuluyan ng tapusin ang laban.
Ang panalo ay sapat na para masweep ng Navy ang kanilang asignatura sa Group A upang makatabla sa Group B topnotcher Air Force na may 7-0 record na naghatid sa kanila upang muling makaharap ang Sea Dragons sa titular showdown.
Ito ang ikalawang pagkakataon na maghaharap ang Navy at Air Force sa best-of-three title playoffs kung saan ang Game One ay nakatakdang magsimula sa Sabado sa alas-12 ng tanghali, habang maglalaban naman ang Philab at ang Senior titlist Army sa alas-9 ng umaga para sa konsolasyong ikatlong puwesto.
Nauna rito, tinapos ng Army Rangers ang kanilang kampanya sa elimination sa pamamagitan ng pagbokya sa UAAP champion University of the Philippines, 3-0.
Maganda rin ang ipinakita ni Terence Vispo, kasama sa 18-under youth national team na nakibahagi sa Triple A Championship na ginanap sa Taipei, para sa Falcons sa kanyang two-hitter sa pitong inning at na-strike out nito ang labing apat na batters ng kalaban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended