Tanging sina Lerio at Zambales na lamang ang nalalabing boksingero na may pag-asa sa ginto nang unti-unting nahulog ang isat isa sa kanilang kampanya.
Makakaharap ni Lerio, beteranong Olympian at silver medalist sa Brunei SEA Games ang tigasing Thailander na si Chotipat Wongprates habang ngayon lamang tutuntong sa tunay na laban si Zambales kontra naman kay Sutthisak Samaksaman sa featherweight division.
"Susubukan nating makuha ngayon yung hindi natin nakuha noon," pagtukoy ng 24 anyos na tubong Antipas, North Cotabato sa kanyang ka-biguang makuha ang gold noong Brunei Games.
Mabigat ang dinaanan ni Lerio patungo sa pag-akyat sa finals nang una niyang pabagsakin si Indonesia Dufri Masihor, 23-9, sa quarterfinals bago tinalo si Aung Tun Lin ng Myanmar sa semis.
Sa kabilang dako, hindi man lang pinagpawisan si Zambales maka-raang mag-bye sa semis bago manalo ito sa pamamagitan ng walkover kay Tanovahn Nilondone ng Laos.
Ang Philippines ay hindi pa nabobokya sa gintong medalya sa boxing sapul noong 1977 at minsan ding tinanghal na overall champion sa natu-rang sports nang i-host ng bansa ang 1991 Manila SEAG.
Nakakasiguro na ng bronze medals sina light-welterweight Romeo Brin, flyweight Violito Payla, light Larry Semillano, middleweight Maximo Ta-bangcora at lightfly Harry Tanamor. (Ulat ni Dina Marie Villena)