^

PSN Palaro

Lerio umusad sa finals, 3 bigo

-
KUALA LUMPUR -- Binigyan kulay ni Olympic veteran Arlan Lerio ang hindi magandang araw ng mga boksingero nang umusad ito sa finals ng boxing competition dito sa 21st Southeast Asian Games.

Dinomina ni Lerio ang kanyang laban kontra kay Aung Tun Lin ng Myan-mar, 22-12 upang isiguro ang silver medal at magkaroon ng tsansang mai-ukit ang gintong medalya.

Hindi naman ito natularan nina Larry Semillano, Reynaldo Galido at Maximo Tabangcora na nakuntento na lamang sa kanilang bronze medal na pagtatapos makaraang mabigo sa kani-kanilang kalaban.

Unang nakatikim ng hindi magandang araw si Semillano nang pabagsakin ito ni Adnan Yusoh ng Malaysia 7-6 sa lightweight division.

Pagkatapos ng tagumpay ni Lerio, hindi na ito nasundan nang lumuhod naman sina Galido at Tabangcora sa dalawang bigating Thailander.

Yumuko ang olympian na si Galido sa kamay ni Manon Boojumnong 14-9 habang pinabagsak ng defending champion na si Somchai Chimlum si Ta-bangcora 21-4.

Tatlong boksingerong Pinoy ang magtatangka ding umabot sa finals sa kanilang mga laban ngayon.

Makakalaban ni Ramil Zambales si Tanovahn Nilonde ng Laos, makiki-pagpalitan naman ng kamao si Romeo Brin kay Pongsak Hrianthunthong ng Thailand at si Violito Payla naman kontra sa isa pang Thai na si Somjit Jongjohor.

vuukle comment

ADNAN YUSOH

ARLAN LERIO

AUNG TUN LIN

GALIDO

LARRY SEMILLANO

LERIO

MANON BOOJUMNONG

MAXIMO TABANGCORA

PONGSAK HRIANTHUNTHONG

RAMIL ZAMBALES

REYNALDO GALIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with