Solong tumawid sa finish line ang 24-gulang na si Galdonez sa kanyang oras na 2:57.07 matapos tahakin ang 145 kilometro ng karerang kinilala ng Philippine Amature Cycling Association sa ilalim ng pangangasiwa ni secretary general Armando Bautista.
Pumangalawa kay Galdonez na anak ng dating Tour of Luzon veteran na si Rolando, ay ang kanyang kapwa taga-Marikina na si Alberto Primero na kumakatawan ng Philippine Navy.
Si Primero ay nagtala ng tiyempong 2:57.50 habang pumangatlo naman si Michael Justiniano ng Army sa kanyang oras na 2:59.50.
Sa team competition, nanguna ang Army-Wescor Team kasunod ang Philippine Air Force team at Barmouli Tarlac Team.