PBA Governors Cup: Realtors nakabuwenamano
September 9, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO -- Nagpasiklab si Marlou Aquino upang ihatid ang Sta. Lucia Realty sa 84-78 panalo kontra sa Swift Panthers sa pagbubukas ng PBA season ending Governors Cup sa Yna-res Center dito.
Tumapos si Aquino ng team-high na 25 puntos bukod pa sa 7-rebounds, 3-assists at 4-blocks para sa buwenamanong panalo ng Realtors sa ikatlong kumperensiyang ito ng PBA.
Sumuporta naman si Noynoy Falcasantos sa paghakot ng 12 puntos gayundin ang kanilang balik-import na si Damien Owens na may 20-puntos.
Natikman ng Sta. Lucia sa kauna-unahang pagkakataon ang kalamangan sa 63-62 sa ika-apat na quarter ngunit mabilis naman itong nabawi ng Swift sa pamamagitan ng jumper ni import Rosell Ellis, 64-63.
Isang 8-0 run ang pinakawalan ng Sta. Lucia sa pangunguna nina Aquino, Tan at Falcasantos upang iposte ang 80-70 kalamangan na kanilang naging tuntungan sa tagumpay.
Samantala, matapos ang mahabang panahon, maisislayan na rin si Eric Menk sa pakikipaglaban ng Tanduay Gold Rhum kontra sa Barangay Ginebra sa ikalawang laro sa Araneta Coliseum ngayon.
Mauuna muna ang sagupaang Talk N Text at Shell Turbo Chargers sa ganap na alas-4:05 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended