^

PSN Palaro

PBA Governor's Cup simula na

-
Umpisa na ngayon ang aksiyon sa PBA season ending conference na katatampukan ng mga imports na di tataas sa 6’4.

Unang makikilatisan ang bagitong import ng Swift Panthers na si Rossel Ellis na mapapasabak sa Sta. Lucia Realty sa pambungad na laban sa ikatlong kumperensiyang ito sa ganap na alas 3:30 ng hapon.

Muli namang masisilayan ang ipinagmamalaking import ng Purefoods TJ Hotdogs na si Derrick Brown, ang Best Import sa kumperensiyang ito noong nakaraang taon.

Mapapasabak ang Purefoods sa Alaska Aces na muling babanderahan ng kanilang resident import na si Sean Chambers sa dakong alas 5:30 ng hapon.

Si Ellis, may taas na 6 ‘2 5/8 ay kikilatisan ng balik import ng Realtors na si Damian Owens, ang pinakamataas sa 10 imports sa kanyang height na 6’3 7/8.

Ang iba pang bagitong imports ay sina Askia Jones ng Shell Velocity, Mark Jones ng Barangay Ginebra at Brandon Williams ng Mobiline Talk N Text.

Ang mga balik-imports naman ay sina Lamont Strothers ng defending champion San Miguel Beer, Rey Tut ng Commissioner’s Cup champion Batang Red Bull, at Maurice Bell ng Tanduay Gold.

Magde-debut naman bukas sa Araneta Coliseum sina Askia Jones at Williams sa paghaharap ng Turbo Chargers at Mobiline sa unang laro at ipaparada naman ng Gin Kings si Mark Jones sa kanilang pakikipagsagupa sa Rhum Masters sa ikalawang laro. (Ulat ni Carmela V. OChoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

ASKIA JONES

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BEST IMPORT

BRANDON WILLIAMS

CARMELA V

DAMIAN OWENS

MARK JONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with