Ito ang iniisip ni head coach Boyzie Zamar matapos abutin ng siyam-siyam ang biyahe ng kanyang tropa mula sa airport patungo sa kanilang hotel.
"Expected na yan. After all, Malaysia is also keen on winning the basketball title," ani Zamar isang araw matapos mag-checked-in ang team sa Crown Princess Hotel matapos ang tatlong oras na biyahe mula sa KL International Airport na dati ay isang oras lamang ang biyahe.
"Siguro nga, talagang niligaw kami dahil, siyempre, alam naman nuong driver kung saan ang hotel namin. At saka ang bagal," pahayag ni RP team skipper Romel Adducul.
Sa sobrang galit ni Zamar ay kinompronta nito si Adrian Chua, ang nakatalagang Malaysian transport chief para sa RP delegation at nagsigawan ang mga ito sa lobby ng hotel nang makarating sa tutuluyan ang RP squad.
"All I wanted was to have our liason officer replaced after we arrived late and he (Chua) apparently took it as an insult," ani Zamar.
Isa pang pananabotatahe sa RP cagers ay ang pagpapalit ng schedule ng team sa training sa womens squad.
"We are supposed to train at 11:00 a.m. Friday but we were informed belatedly that it has been reset to 12:00 noon. We insisted on the original schedule," aniya.
Ngunit hindi na baguhan si Zamar sa mga ganitong pangyayari dahil naging assistant coach na ito ng national team noong 1997 Jakarta SEA Games kung saan naranasan din ng RP team ang ganitong sitwasyon sa mga Indon organizers.
"Malapit yong hotel ng mga Indonesian sa venue tapos yung mga kalaban niya ay dalawang oras ang layo," ani Zamar. "Parang ganito rin ang mangyayari sa amin. Sa court na lang kami babawi!"