NCAA Basketball Tournament: SSC Stags nagpakatatag
September 6, 2001 | 12:00am
Naglatag ang San Sebastian College ng mahigpit na depensa upang talunin sa end-game ang University of Perpetual Help-Rizal, 66-64 kahapon at pahigpitin ang kanilang kapit sa solong ikalawang puwesto sa pagpapatuloy ng 77th NCAA seniors basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Humakot si Mark Macapagal ng 19 puntos, bukod pa ang anim na assists at apat na steal upang pamunuan ang Stags sa kanilang ika-pitong panalo matapos ang apat na talo.
Ito ang ikalimang dikit na pagkatalo ng Altas na naglagay sa kanila sa miserableng katayuan sanhi ng 4-8 karta.
Nag-ambag si Leomar Najorda ng 12 puntos upang suportahan si Macapagal.
"Medyo marami ang turnovers namin, but then the boys showed character and experience down the stretch to pull us through," pahayag ni San Sebastian coach Turo Valenzona.
Angat ang Altas sa 63-61 matapos ang lay-up ni Gilbert Malabanan may 1:19 ang nalalabing oras, ngunit di sumuko ang Stags at sa halip ay lalo pa itong nag-init nang kumana si Nurjamjam Alfad ng dalawang free throw na kanyang hinugot mula sa foul ni Ralfy Ibrahim, na sinundan ng jumper ni Macapagal upang agawin ang trangko 65-63, may 50 segundo ang nalalabi sa laro.
Sinikap ni Ibrahim na ilapit ang iskor, ngunit nag-split ang kanyang charity shots mula naman sa foul ni Pep Moore para sa 64-65 pagkakalapit ng iskor sa huling 41 segundo sa laro.
Sa sumunod na play, naagaw ni Christian Coronel ang pasa ni Chester Tolomia na sinundan ng foul ni Jason Jensen kay Macapagal at ang split shots nito ang siyang sumelyo sa panalo ng Stags sa huling siyam na segundo na lamang.
Nauwi sa wala ang pagtatangka ng Altas sa huling dalawang segundo ng laro nang pumaltos ang desperadong tres ni Tolomia.
Ang pagkatalong ito ng Altas ang tumabon sa magandang performance nina Malabanan at Tolomia na humataw ng 18 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Dinuplika naman ng Staglets ang tagumpay ng kanilang senior counterparts nang kanilang pabagsakin ang Altalettes, 102-59.
Juniors
SSC 102--Aguilar 20, Torcullas 13, Manding 12, Nepomuceno 12, Bañez 11, Dizon 7, Busa 7, Salamat 5, Soledad 5, Alarcon 4, Cruz 3, Villamin 2, Peralta 1.
Perpetual 59--Castro 18, Galara 9, Lozano 9, Mavrines 7, Benavides 6, Olivar 5, Ronquillo 3, Gorospe 1, Atienza 1, Cristobal 0, Salvan 0.
Quarterscores: 29-13; 53-31; 82-44; 102-59.
Seniors
SSC 66--Macapagal 14, Najorda 12, Moore 10, Alfad 9, Coronel 8, Reguerra 4, Uy 2, Mercado 2, Falcasantos 0, Morales 0, Baluyot 0.
Perpetual Help 64--Malabanan 18, Tolomia 14, Cuenco 11, Cosme 9, Ibrahim 9, Hawkins 2, Quiazon 1, Alejandro 0, Romulo 0.
Quarterscores: 15-14; 33-31; 44-42; 66-64.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended