Ang mandatory title shot ay nakuha ni Peñalosa matapos ang kanyang sunod-sunod na tagumpay kontra sa mga bigating kalaban sa pagdedepensa ng kan-yang WBC International superflyweight crown na napanalunan nito sa eight round TKO kontra kay Pone Saengmorakot ng Thailand na naunang nagtala ng kontrobersiyal na split decision kontra kay Tokuyama.
Sinabi ni Peñalosa at nang kanyang manager na si Rudy Salud na ito na ang last hurrah para sa 28-gulang na si Peñalosa na natalo sa kontrobersiyal na split decision kontra kay In Joo Cho ng South Korea noong 1999 at nabigong makakuha ng rematch noong Enero ng nakaraang taon.
"If we fail this time," ani Salud. "Im through and Gerry knows that."
Sinabi ni Peñalosa na labis itong nagpapasalamat sa kanyang manager sa buong suportang ibinibigay nito sa kanya at pinangakuan pa ito na bibigyan siya ng importanteng laban sa kanyang career at ibibigay niyang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang mga fans na naging inspirasyon nito.
Inamin ni Peñalosa na nagsabing kung matatalo ito ay hindi na ito aakyat ng lona, na kinakabahan ito at nananabik sa kanyang laban. "Mas magandang kalaban si Tokuyama dahil hindi ito tumatakbo tulad ni In Joo Cho at lagi itong handang lumaban. Gusto kong kalaban ang tulad niya.
Si Peñalosa ay may ring record na 43-3-2 panalo-talo-draw kabilang ang 27 KOs habang si Tokuyama ay may 24-2-1 na kinabibilangan naman ng 6 KOs.
Sinabi ni Peñalosa na nagkaroon ito ng higit na lakas at gumanda rin ang kanyang timing at distansiya gaya ng kanyang ipinakita nang kanyang pabagsakin si In Joo Cho sa pamamagitan ng malakas na right sa ikalimang round ng kanilang re-match sa Seoul.