St. Benilde, ibinulsa ang titulo
September 4, 2001 | 12:00am
Pinigilan ng College of St. Benilde ang University of Santo Tomas, 3-0 upang ibulsa ang korona sa womens team title sa katatapos pa lamang na 2001 Milo All-Students Tennis Championships nitong nakaraang linggo sa Rizal Memorial hardcourts.
Kinumpleto naman ng Bicol University High School ang 2-1 pananaig kontra sa defending champion Assumption sa girls team division, habang binokya ng bagitong Philippine Christian University ang Letran 3-0 upang sungkitin ang boys team event.
Bumawi naman ang Letran sa kanilang kabiguan nang umitin ang collegiate mens team title matapos na blangkahin ang Ateneo, 3-0 sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.
Nahirang si Petrona Bantay na Most Valuable Player kasama sina Cathrine Flores ng Bicol University , Roel Licayan ng PCU at Chiemel Mantua ng Letran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am