Ang tagumpay ni Bustamante ay isang matamis na paghihiganti para sa pagkatalo ni Efren Bata Reyes na nasibak sa semifinals ni Strickland, 7-0 upang maiwasan ang all-Filipino finals.
Tinalo ni Reyes ang kasalukuyang World Pool Champion na si Mika Immonen ng Finland, 7-2 sa quarterfinals bago masibak sa semifinals.
Kumolekta si Bustamante na naunang nanalo sa torneong ito noong 1998, ng $15,000 habang si Reyes ay nag-uwi naman ng $4,000 sa kanyang pagiging semifinalists.
"Me and Earl played terrible," pagbibiro ni Bustamante pagkatapos ng laban. "We missed a lot of ball but really he was a bit unlucky. He never made anything on the break while I did and I think thats what counted in the end."
Nanalo naman si Strickland ng $5,000 bilang runner-up ngunit dismayado ito sa kanyang naging performance bagamat nagawa pa rin niyang magbiro pagkatapos ng laban.
"The Filipino people in the audience were amazing. There were so many of them it was like playing in Manila." ani Strickland.
"Im so pleased to win this championship again," anaman ni Bustamante
Ang laban ay kapana-panabik dahil sa kanilang magagandang tira at nakakadismayang pagmimintis kaya naman ang nanalo ay natukoy sa deciding 13th rack.
Sa rack 12 kung saan angat si Bustamante sa 6-5, nagkaroon ng pagkakataon si Bustamante na maagang tapusin ang laban nang maipasok nito ang tatlong bola ngunit nagmintis sa 6 na nagbigay ng malinaw na tira kay Strickland sa left bag.
Bagamat nagmintis si Strickland, hindi rin ito natira ni Bustamante. Ipinasok ni Strickland ang 7 at 9 ball upang itabla ang iskor sa 6-all.
Minalas muli si Strickland sa kanyang break at matapos ang palitan ng tira, higit na naging epektibo ang laro ni Bustamante na nagawang ipasok ang mahihirap na tira upang tuluyang makopo ang titulo.