^

PSN Palaro

Bustamante, World Pool Masters Champ

-
Nakopo ni Francisco ‘Djanggo’ Bustamante ang kanyang ikalawang World Pool Masters title upang maging tanging two-time titlists sa prestihiyosong 9-ball tournament na ito matapos igupo si Earl Strickland, 7-6 sa Lakeside Shopping Center sa Thurrock, Essex, England.

Ang tagumpay ni Bustamante ay isang matamis na paghihiganti para sa pagkatalo ni Efren ‘Bata’ Reyes na nasibak sa semifinals ni Strickland, 7-0 upang maiwasan ang all-Filipino finals.

Tinalo ni Reyes ang kasalukuyang World Pool Champion na si Mika Immonen ng Finland, 7-2 sa quarterfinals bago masibak sa semifinals.

Kumolekta si Bustamante na naunang nanalo sa torneong ito noong 1998, ng $15,000 habang si Reyes ay nag-uwi naman ng $4,000 sa kanyang pagiging semifinalists.

"Me and Earl played terrible," pagbibiro ni Bustamante pagkatapos ng laban. "We missed a lot of ball but really he was a bit unlucky. He never made anything on the break while I did and I think that’s what counted in the end."

Nanalo naman si Strickland ng $5,000 bilang runner-up ngunit dismayado ito sa kanyang naging performance bagamat nagawa pa rin niyang magbiro pagkatapos ng laban.

"The Filipino people in the audience were amazing. There were so many of them it was like playing in Manila." ani Strickland.

"I’m so pleased to win this championship again," anaman ni Bustamante

Ang laban ay kapana-panabik dahil sa kanilang magagandang tira at nakakadismayang pagmimintis kaya naman ang nanalo ay natukoy sa deciding 13th rack.

Sa rack 12 kung saan angat si Bustamante sa 6-5, nagkaroon ng pagkakataon si Bustamante na maagang tapusin ang laban nang maipasok nito ang tatlong bola ngunit nagmintis sa 6 na nagbigay ng malinaw na tira kay Strickland sa left bag.

Bagamat nagmintis si Strickland, hindi rin ito natira ni Bustamante. Ipinasok ni Strickland ang 7 at 9 ball upang itabla ang iskor sa 6-all.

Minalas muli si Strickland sa kanyang break at matapos ang palitan ng tira, higit na naging epektibo ang laro ni Bustamante na nagawang ipasok ang mahihirap na tira upang tuluyang makopo ang titulo.

vuukle comment

BUSTAMANTE

EARL STRICKLAND

LAKESIDE SHOPPING CENTER

ME AND EARL

MIKA IMMONEN

REYES

STRICKLAND

WORLD POOL CHAMPION

WORLD POOL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with