^

PSN Palaro

Grupo ng jins inaasahan sa ginto

-
Apat na Olympians, World Cup at Asian Championship medalists.

Ito ang bumubuo sa national taekwondo team na aasahan sa kampanya ng Philippines sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Malaysia sa September 7-18 upang makabawi ang bansa sa nakakadismayang performance sa nakaraang Brunei Games.

"The team this year is much better than the last one because those we are sending this time are medalists in the World Cup or Asian Championships plus of course, the fact that we have four Olympians in the fold," pahayag ni coach Stephen Fernandez.

Pangungunahan ng mga Olympian na sina Donald Geisler, Eva Marie Ditan, Jazmin Strachan at five-time SEA Games gold medalists Roberto Cruz ang 16-man taekwondo team.

Lalo pang lumakas ang pambansang koponan sa presensya ni 1999 Brunei Games gold medalist Jefferthom Go at ang pagbabalik ni Ma. Nelia Sy-Ycasas.

Ang taekwondo team ay nakatakdang tumulak ng Malaysia sa Miyerkules kasama ang main bulk ng 502-kataong RP delegation.

Ang Philippines ay nanalo ng apat na gold medals - isa kay Cruz, Geisler, Go at Allesandro Lubiano na ngayon ay retirado na, sa Brunei para maging overall champion.

Ang iba pang kabilang sa koponan na mapapasabak sa September 8-11 ay sina Albert Dax Morfe, Mark Anthony Rivero, Dindo Simpao, Manuel Rivero, Jr., Margarita Bonifacio, Deleen Cordero, Veronica Domingo, Sally Solis, Kalindi Tamayo at Tsomlee Go, ang silver medalists sa nakaraang World Cup.

Ayon kay Fernandez, ang magiging mahigpit na kalaban ng mga Pinoy ay ang Vietnam. "Among the SEA Games countries, it’s Vietnam which has shown a lot of improvement not only in taekwondo, but in other sports as well," aniya.

Bukod kay Fernandez, magko-coach din sina Noel Veneracion, Jesus Morales at Manolo Gabriel na masisilbi ring team manager. Ang Taekwondo Association of the Philippines vice-president na si Sung Chon Hong ang kasama ng koponan.

Matagal na nawala sa aksiyon si Ycasas, ang 1998 Asian Games bronze medalists at silver medalists sa 1994 Asian Championships ngunit sumailalim ito sa masusing training upang magbalik ang kanyang dating porma.

ALBERT DAX MORFE

ALLESANDRO LUBIANO

ANG PHILIPPINES

ANG TAEKWONDO ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN CHAMPIONSHIP

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

BRUNEI GAMES

DELEEN CORDERO

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with