Batang Red Bull handa sa SEA Games kung ipadadala
September 1, 2001 | 12:00am
Nakahanda ang PBA Commissioners Cup champion Red Bull Energy Drink na katawanin ang bansa sa nalalapit na Kuala Lumpur Southeast Asian Games kung sila ang mapipili.
Ito ang inihayag kahapon ni coach Yeng Guiao.
"Its a great idea, and we are more than willing to serve the country. Its a great honor for us," sabi pa ni Guiao.
"But the decision lies on the sports officials kung sino ang padadala nila. Basta kami, we are willing to represent the country and handa kami anytime."
Malakas ang tsansa ng Red Bull na makapag-uwi ng ginto sa biennial meet na ito sa dahilang kumpleto ang line-up ng Thunder 5 na may mahuhusay na talento. Ikalawa mahusay na guro si Guiao bukod dito, determinado siyang manalo.
At ang ikatlo, napatunayan na ng Energy Kings ang kanilang character at mayroon silang killer instinct upang balikatin ang lahat na gaya ng kanilang ginawa sa paborito at multi-titled San Miguel Beer.
Marami ang nagsasabi na ang kanilang pagkakapanalo sa Commissioners Cup ang simula ng kanilang daan para sa panibagong dinastiya.
"Many say that Red Bull will be the new dynasty in the PBA while others say that a new archrivalry between Red Bull and San Miguel was born," ani pa ni Guiao.
"But I dont think so. There are other talented teams at talagang sinuwerte lang kami. Its the work of the One Above."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am