^

PSN Palaro

Bakbakang Villamor vs Magramo sa Casino-Filipino

-
Hindi na maawat pa ang bakbakang Villamor-Magramo sa darating na Sabado, Setyembre 1, sa paghaharap muli ng kasalukuyang Philippine Flyweight champion na si Anthony Villamor kontra sa dating kampeon at kasalukuyang number 1 flyweight contender na si Melvin Magramo.

Ang batam-batang si Villamor, na sa edad na 22 anyos ay nagsimula na ang professional career ay may kabuuang 20 laban kung saan may rekord itong 13 panalo at 7 talo habang ang beteranong si Magramo naman, 30 anyos ay nagsimula mag-pro-boxing noong 1990 ay may mahigit 50 laban sa record na 34 wins at may 17 knockouts.

Sa huling pagtatagpo ng dalawa, naagaw ni Villamor ang korona kay Magramo via split decision noong Hulyo 14, 2001.

At kahit na mas may karanasan sa ring si Magramo hindi nawalan ng loob si Villamor na naging daan para makamit ang korona.

Ngunit hindi doon natapos ang lahat. Nais ni Magramo na makabawi at muling mapasakamay ang titulong hinawakan.

Samantala, bukod sa Villamor-Magramo bout, nakatakda ring magharap sina Philippine Superfly-weight champion Joel Avila at Philippine number 4 superflyweight contender Marlon Castañeda at magtutunggali naman sina Jhunver Halog at Efren Papangue para sa isang non-title 10 round match.

May inihandang 68 rounds ng umaatikabong bakbakan na inihanda ni boxing promoter Gabriel "Bebot" Elorde Jr., sa pamamagitan ng Elorde International Productions’ Ringside @ Elorde.

ANTHONY VILLAMOR

EFREN PAPANGUE

ELORDE INTERNATIONAL PRODUCTIONS

ELORDE JR.

JHUNVER HALOG

JOEL AVILA

MAGRAMO

MARLON CASTA

MELVIN MAGRAMO

VILLAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with