Umiskor ng 16 si Baguion kung saan abante ang Tigers sa 16 puntos, 52-36 upang ilapit ang iskor sa 52-55 sa pag-tiklop ng nasabing quarter.
Isang triple ni Emerson Oreta at jumper naman ni Rene de Guzman ang muling naglayo sa Uste sa 60-53, may 8:01 ang oras sa final canto, ngunit nakipagtulungan si Baguion kina Bryant Tolentino, Gilbert Neo at Jeff Napa upang magbaba ng 13-0 salvo na tuluyang nagkaloob sa NU ng pangunguna sa 66-60, 3:45 na lamang ang oras.
Sa juniors division, iginanti naman ng UST Cubs ang kabiguan ng kanilang senior counterparts nang kanilang idispatsa ang NU Bullpups, 77-47.
At sa womens match na ginanap sa UST gym, nagwagi ang Ateneo kontra sa UE, 67-40, tinalo ng De La Salle ang Adamson U, 67-58 at nakaungos ang University of the Philippines kontra sa Far Eastern University, 52-46. (Ulat ni Maribeth Repizo)