^

PSN Palaro

UAAP Basketball: Tigers talo sa Bulldogs

-
Naglabas ng eksplosibong performance si Froilan Baguion sa second half upang isalba ang National University mula sa kanilang 16 puntos pagkakalubog at igupo ang UST Tigers, 72-69 sa pagpapatuloy ng second round eliminations ng 64th UAAP basketball tournament sa Ateneo gym kahapon.

Umiskor ng 16 si Baguion kung saan abante ang Tigers sa 16 puntos, 52-36 upang ilapit ang iskor sa 52-55 sa pag-tiklop ng nasabing quarter.

Isang triple ni Emerson Oreta at jumper naman ni Rene de Guzman ang muling naglayo sa Uste sa 60-53, may 8:01 ang oras sa final canto, ngunit nakipagtulungan si Baguion kina Bryant Tolentino, Gilbert Neo at Jeff Napa upang magbaba ng 13-0 salvo na tuluyang nagkaloob sa NU ng pangunguna sa 66-60, 3:45 na lamang ang oras.

Sa juniors division, iginanti naman ng UST Cubs ang kabiguan ng kanilang senior counterparts nang kanilang idispatsa ang NU Bullpups, 77-47.

At sa women’s match na ginanap sa UST gym, nagwagi ang Ateneo kontra sa UE, 67-40, tinalo ng De La Salle ang Adamson U, 67-58 at nakaungos ang University of the Philippines kontra sa Far Eastern University, 52-46. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ADAMSON U

ATENEO

BAGUION

BRYANT TOLENTINO

DE LA SALLE

EMERSON ORETA

FAR EASTERN UNIVERSITY

FROILAN BAGUION

GILBERT NEO

JEFF NAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with