^

PSN Palaro

NCAA Basketball: Importanteng panalao nais ng St.

-
Importanteng panalo ang pagsisikapang maiguhit ng defending champion College of St. Benilde sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa Mapua Institute of Technology sa pagbabalik ng 77th NCAA men’s basketball sa Rizal Memorial Coliseum.

Nananatiling buhay ang pag-asa ng Blazers na makapasok pa sa Final Four upang maipagtanggol ang kanilang hawak na korona maka-raang mapaganda ang kanilang katayuan sa 4-5 na naging daan upang makatabla sila sa ikaapat na puwesto sa Letran Knights.

Siguradong eksplosibong opensa at matinding determinasyon ang dala ng Blazers sa kanilang pang-ala-1:30 ng hapong sagupaan ng Cardinals upang makakalas sa kanilang tanikala ng Knights.

Ngunit tiyak na hindi naman magpapabaya ang Cardinals dahil gaya rin ng Blazers nais rin nilang makakalas sa kanilang pakikipagtabla sa ikalawang puwesto sa San Sebastian Stags na nag-iingat ng 6-3 karta.

Kailangan ng Cardinals na tapatan ang agresibong laro ng Blazers ngayon sa second round kung saan nakadalawang sunod na silang panalo at ito ang nais na duplikahin ng Taft-based dribblers.

Nakasalalay sa mga balikat nina Erwin Romel Sta. Maria, Jeffrey Martin, Sherwin Silva, Christian Gueverra, Gerard Roxas at iba pa ang tagumpay ng Cardinals.

Sa isa pang senior games, hangad rin ng University of Perpetual Help-Rizal na mapalakas ang kanilang kampanya para sa Final Four sa kanilang nakatakdang sagupaan ng San Beda.

At sa juniors division, maghaharap ang Mapua Red Robins at ang Greenhills Blazers sa alas-12 ng tanghali, bago magtitipan ang San Beda Red Cubs at ang UPHR Altalettes sa alas-3:30. (Ulat ni Maribeth Repizo)

CHRISTIAN GUEVERRA

COLLEGE OF ST. BENILDE

ERWIN ROMEL STA

FINAL FOUR

GERARD ROXAS

GREENHILLS BLAZERS

JEFFREY MARTIN

KANILANG

LETRAN KNIGHTS

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with