^

PSN Palaro

Sino ba talaga ang kakatawan sa RP-5 KL SEA Games

-
Dahil gahol na sa panahon, hiniling ng Metropolitan Basketball Association sa Philippine Olympic Committee na ihayag na ang komposisyon ng basketball team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur dahil 10 araw na lamang ang nalalabi bago magbukas ang naturang Beinnial meet.

Binigyang diin ni MBA Chairman at president Santi Araneta, ang may-ari ng Batangas Blades na nanatili pa ring handang tumulong ang liga na ipahiram ang kanilang players sa national team sakaling magdesisyon ang POC na kumuha ng manlalaro sa MBA.

Pumayag ang MBA sa pamamagitan ng Commissioner Gregorio Narvasa III gayundin ang Philippine Basketball Association at Philippine Basketball League na ialok ang kanilang players sa POC na naghihintay pa ng pagkakaayos ng gulo sa Basketball Association of the Philippines.

Ang tatlong liga ay nagkasundo rin na ibibnigay nilang lahat ng tulong na maaaring ibigay sa national team na pipiliin ng POC at saka ibibigay sa Task Force ng PSC at POC.

"There is a very little time left for us to prepare the team for this very important event. We, along with the PBA and the PBL, have offered our services to the flag ans we hope our call, forged by a common stand among the leagues would be heard by the POC,"ani Araneta.

Nananatiling suspendido ang Philippines na makasali sa international competitions kabilang na ang SEA Games bilang parusa ng International Basketball Federation (FIBA) sa BAP na pinag-aagawan nina Lito Puyat at Tiny Literal.

Ngunit ibinasura ng Court of Appeals ang lahat nang kasong isinampa ni Literal laban sa grupo ni Puyat kaya’t si Puyat ang kinikilalang legal na presidente ng BAP.

Nakatakdang dumating ang arbitration group na binubuo ng kinatawan ng FIBA at International Olympic Committee sa September 1 upang wakasan na ang gulo sa BAP.

Bagamat wala pang nabubuong national basketball team, sinabi ni Ramon Tuason na nakahanda pa rin ang MBA selection na nanalo sa nakaraang Southeast Asian Basketball Association championships.

vuukle comment

BASKETBALL

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BATANGAS BLADES

COMMISSIONER GREGORIO NARVASA

COURT OF APPEALS

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

KUALA LUMPUR

LITO PUYAT

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with