Pinoy maagang nabigo sa Asiad Badminton Championsh
August 23, 2001 | 12:00am
Nagpamalas ng impresibong performance si Indon Taufik Hidayat nang kanyang itala ang 15-6, 15-8 panalo kontra sa Filipino qualifier na si Lloyd Escoses, kasabay ng pagyukod ng local ladies singles bet na si Kennie Asuncion sa kanyang Taiwanese na karibal sa pagbubukas ng JVC Asian Badminton Championships sa PhilSports Arena kahapon.
Nanaig ang supremidad ng defending mens singles champion na si Hidayat, tumapos ng No. 1 sa kanyang division sa JVC Asian rankings kontra sa 20-anyos na si Escoses na nangailangan ng dalawang panalo bago siya makarating sa main draw kamakalawa.
Hindi naman nakayanan ng 24-anyos na si Asuncion, kasalukuyang National Open champion na masustinihan ang kanyang 6-2 pangunguna sa second frame ay yumukod ito kay Huang Chia-chin, 9-11, 11-7, 11-2.
Matapos na magawang makipagsabayan sa Taiwanese, nakauna si Asuncion sa first game nang kanyang itala ang 11-9 panalo, ngunit nagsimula rin siyang kapusin nang mula sa 6-2 kalamangan ay di na ito nakakilos pa na siyang sinamantala ng kala-bang beterano ng Sydney Olympics.
"Were here for the experience and exposure, not necessarily win games considering the world class opposition," ani Asuncion na isinaayos ang kanyang laban matapos na pabagsakin ang Japanese na si Kyoko Komuro, 11-3, 8-11, 11-8.
Ang iba pang RP bets na umusad sa main draw ay sina Rodel Bartolome na nanalo kontra O Man Tong ng Macau, 15-4, 15-2; Jaime Llanes na nanaig kontra Leong Kin Fei ng Macau, 15-4, 15-1 at Arolas Amahit na gumapi sa Cambodian Siphanthan Ling, 15-2, 15-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended