^

PSN Palaro

Kundisyon at handa na ang women's football team sa

-
Matapos ang kanilang mahigpit na tuneup series sa Taiwan, sinabi ni head coach Marlon Maro kahapon na ang national women’s football team ay kundisyon at nakahanda ng harapin ang kanilang mga kalaban sa susunod na buwan Southeast Asian Games.

Sa apat na laban ng Filipina booters, dalawa rito ang panalo, isang draw at isang talo--1-3 kabiguan sa mga kamay ng Hsiao gang squad na may reinforced na anim na Taiwanese national players, kabilang ang kanilang goalkeeper.

Binuksan ng national na lumaro ng kanilang lahat na laban sa Taichung Stadium ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 4-1 panalo kontra sa Chunghsian noong nakaraang Agosto 11, tumabla sa Hsiao-gang, 2-2 noong Aug. 13 at ginapi ang Jin Wen Under-18 squad, 6-0 noong Aug. 15.

Ayon pa kay Maro, maganda ang kanilang tsansa sa Group A ng elimination round sa SEA Games kontra sa Thailand sa Sept.4.

Bukod sa Thailand, ka grupo rin ng bansa ang Myanmar at Malaysia sa nasabing grupo. Matapos na harapin ang Thais, sasagupain naman ng Pinays ang Myanmar sa Sept. 6 bago itiklop ang kanilang elimination assignment kontra Malaysia sa Sept. 10.

Nasa Group B naman ang Singapore, Indonesia at Vietnam.

vuukle comment

GROUP A

HSIAO

JIN WEN UNDER

KANILANG

MARLON MARO

MATAPOS

MYANMAR

NASA GROUP B

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TAICHUNG STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with