Falcons ibinaon pa ang Tigers
August 20, 2001 | 12:00am
Pinigilan ng University of Santo Tomas sa huling pitong minuto ng sagupaan ang Adamson U upang ipalasap sa Falcons ang kanilang ikawalong sunod na pagkatalo matapos ang 69-65 panalo kahapon sa pagpapatuloy ng 64th UAAP mens basketball sa Loyola Gym.
Ang kabiguang ito ng Falcons ang kanilang pinakamasamang kampanya sa nakalipas na dalawang taon kung saan huling nanalo noong Agosto 19, 1999, 89-81 kontra sa FEU Tamaraws.
Bumandera sa opensa ng Tigers sina Rene de Guzman at Alwyn Espiritu nang tumapos ng 18 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod upang ihatid ang Espanya-based squad sa ikatlong panalo matapos ang 8 laro.
Matapos ang siyam na ulit na pagpapalitan ng abante sa first quarter, nagsimulang kumawala ang Tigers nang pamunuan nina de Guzman, Niño Gelig at Dondon Villamin ang 16-6 salvo na siyang nagkaloob sa Uste ng 36-26 kalamangan sa huling minuto ng second period.
Pero nagsikap ang Falcons at kanilang naagaw ang trangko sa 51-47 makaraang masupil ng Tigers ang Adam-son sa kanilang pananalasa sa third canto.
Nananatiling malaking banta ang Falcons sa pagbubukas ng final canto nang kumana agad ng limang sunod na puntos para sa 51-47 bentahe, subalit nanamlay ang kanilang opensa at tanging dalawang puntos lamang ang kanilang naikamada sa huling pitong minuto ng sagupaan na dahilan upang humulagpos ang 17-2 bomba na pinasabog ng Tigers sa pangunguna ni Espiritu at agawin ang pangu-nguna sa 64-53, may 1:49 na lamang ang nalalabing oras sa naturang yugto.
At sa juniors division, nagawang makisosyo ng UST Cubs sa Ateneo Eaglets sa pamumuno matapos na igupo ang Adamson Baby Falcons, 70-61.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended