Nabigo ang Filipinos na madugtungan ang kanilang 82-72 upset sa opening day kontra sa Canadians nang agad na maiwanan sa unang bahagi ng laro.
Huli na ng umabante ang Philippines sa 76-73 sa huling dalawang minuto ng laro nang hindi magawang makasagot ng Pinoys sa Taiwanese hotshots na si Yu Ming Yang na kumana ng limang puntos na tinampukan ng triples upang pamunuan ang 11-3 salvo na siya nilang naging tuntungan sa panalo.
"It was a very close game up to the last minute, thats why Im very proud of the boys, especially Chris (Clay) and Ranidel (De Ocampo) who played exceptionally well," ani team manager Jojo Lavina.
Humakot si Clay ng 34 puntos, habang tumirada naman si De Ocampo, ang nakababatang kapatid ng RP Youth standout na si Yancy ng 21 puntos upang pamunuan ang RP-five na nagtala ng 1-1 win-loss slate.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan namang nakikipagbanatan ang mga Pinoy kontra sa Mongolia, ang koponan na kinukunsiderang darkhorse sa eight-team tournament na ginaganap bilang pagbibigay parangal sa FIBAs first secretary general. Ang Mongolia ang pinagmulan ng mga Chinese national team standouts na si Menk Batere at Adiljan.
Nagpakitang gilas sa Chinese Taipei si Yu na nagposte ng 17 puntos.