British Columbia dapa sa Pinay
August 17, 2001 | 12:00am
KALAMAZOO, Michigan--Nagpamalas ang Golden Girls ng kanilang potential bilang title contenders makaraang kumana ng dalawang importanteng panalo sa ikatlong araw ng Girls Big League Softball World Series sa Lee Field ng Vanderberg Park dito noong Miyerkules.
Ipinagdiwang ng third basewoman na si Karina Aribal ang kanyang pagbabalik bilang starter nang kanyang pangasiwaan ang opensa patungo sa four-to-four at bat patu-ngo sa 9-5 pamamayani ng Golden Girls kontra sa British Columbia sa opening half ng kanilang double header.
Makaraan ang 30 minutos, muling nagbalik sa aksiyon ang Big City at kanilang pinagulong ang San Antonio of Texas, 6-4 para sa kanilang ikaapat na panalo sa anim na laro na naglapit sa kanila sa isang puwesto ng finals ng nine-team one-round elimination series.
Kumana ang 17-anyos na si Aribal, isang second year education student ng Adamson University na lumasap ng pulled muscle sa kanang hita sa opening day nang tatlong runs kabilang ang dalawa sa pivotal four-run atake ng Golden Girls sa fifth inning na sapat na para sa kanilang panalo.
Nagtala naman ang 16-gulang na pitcher na si Gedda Valencia ang si-yang pinakabatang manlalaro sa koponan ni coach Boy Codiñera nang three-for four na tinampukan ng dalawang RBIs nang kanilang pamunuan ni Aribal ang 16-hit pananalasa kasama sina first basewoman Gemmalyn Tamse, catcher Erlinda Pascual at shortstop Theresa Lagman at ang leftfielder na si Emily Batac.
Makikilatis ang tikas ng Golden Girls sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa kanilang pakikipaglaban kontra sa defending champion Michigan na nagposte ng malinis na 4-0 win-loss slate na habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang nakikipaglaban sa Southern Maryland.
Maghaharap ang Golden Girls at ang host country sa alas-6 ng gabi (alas-6 ng umaga sa Manila) at kailangan lamang nila na manalo upang manatili sa kontensiyon na hindi bababa sa ikalawang upuan ng championship playoff.
Format ng tournament na ang top two teams matapos ang eliminations ang siyang maglalaban para sa titulo sa winner-take-all sudden death match sa Sabado (Linggo sa Manila).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest