^

PSN Palaro

Villanueva bagong GAB chairman,manunumpa kay GMA bukas

-
Nakatakdang manumpa ang bagong itinalagang Games and Amu-sements Board (GAB) Chairman na si Eduardo (Estoy) Villanueva ng Bacolod kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang bukas.

Si Villanueva, Philippine Sports Commission (PSC) Regional Coordinator ang siyang pumalit kay Dominador Cepeda na nahirang na GAB Chairman sa ilalim ng Ramos Administration noong 1994.

Ang pagkakahirang kay Villanueva ay nilagdaan ng Pangulong Arroyo noon pang Hulyo 5 at ang kanyang appointment papers ay kamaka-lawa lamang naipadala sa opisina ng GAB sa Makati.

Nilisan ni Cepeda ang GAB na may magandang track record at integridad kung saan nagkaroon ang bansa ng mga world champions na kinabibilangan nina Manny Pacquiao, Luisito Espinosa, Gerry Peñalosa, Malcolm Tuñacao, Eric Jamili, Rolando Toyogon, Rico Siodora at Joselito Rivera

"We serve at the President’s pleasure," ani Cepeda na naging Orient at Pacific Boxing Federation President mula 1996-1999. "It’s is the prerogative of the President to appoint or replace the GAB Chairman. There is no security of tenure in this position. That is the nature of the office. We may be removed anytime, not even for cause," pagtatapos ni Cepeda.<

CEPEDA

DOMINADOR CEPEDA

ERIC JAMILI

GAMES AND AMU

GERRY PE

JOSELITO RIVERA

LUISITO ESPINOSA

MALCOLM TU

PACIFIC BOXING FEDERATION PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with