^

PSN Palaro

Try-city magbi-bid sa 2005 SEA Games

-
Inihayag kahapon ni Rep. Monico Puentevella na ang Bacolod City at ang Negros Occidental ang nasa kontensiyon para maging punong abala sa Southeast Asian Games sa 2005 sa kabila ng ulat na nagbigay na ang Malacañang ng go-signal para sa pagsasagawa ng multi-billion sports complex sa Clark Special Economic Zone sa Angeles City.

Ayon pa kay Puentevella, chairman ng House Committee on Youth and Sports na nakatakda siyang makipagkita sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngayon upang iprisinta ang intensiyon ng Bacolod na maging punong abala sa biennial games at kasabay ng pagpupursige sa Iloilo at Cebu Cities bilang co-hosts ng regional sport event.

Sinabi pa ng solon na ang Bacolod City ay mayroong 25-hektaryang Panaad Stadium at Recreational Park, habang ang Cebu ay may sports complex at world-class venues para sa water sports at ang Iloilo City Sports Complex ay nag-host na rin ng ilang national at international sports competitions kung kaya’t karapat-dapat lamang ang Tri-city na siyang maging punong abala ng naturang biennial meet kung ikukunsidera ang kanilang central location.

Kilala ang Bacolod Cebu at Iloilo sa pagho-host ng maraming ulit ng Palarong Pambansa. Naging venue rin ang Panaad Park Stadium para sa ilang serye ng ASEAN swimming competitions, Asian Fooball Championships at international track and field events. Bukod pa ang pagkakaroon ng direct flight sa Cebu para sa ASEAN destinations.<

ANGELES CITY

ASIAN FOOBALL CHAMPIONSHIPS

BACOLOD CEBU

BACOLOD CITY

CEBU

CEBU CITIES

CLARK SPECIAL ECONOMIC ZONE

HOUSE COMMITTEE

ILOILO

ILOILO CITY SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with