^

PSN Palaro

Winning streak palalawigin ng JRU

-
Pagpapalawig sa walong sunod na panalo ang pupuntiryahin ngayon ng solo lider na Jose Rizal University sa kanilang pakikipaglaban kontra sa San Beda College sa pagbubukas ng ikalawang round ng 76th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Nais ng Heavy Bombers na makadalawa sa Red Lions sa kanilang nakatakdang sagupaan sa 1:30 ng hapon.

Sa una nilang paghaharap, tinalo ng Heavy Bombers ang Red Lions sa iskor na 103-98 at ito ang balak na tabunan naman ng Mendiola-based cagers kung kaya’t siguradong umuusok na opensa ang ilalatag nila.

Siguradong dobleng ingat ang gagawin ng JRU na huling namayani kontra sa defending champion St. Benilde, 95-90 dahil lahat ng mata ngayon ng pitong koponan ay nakatuon sa kanila.

Umaasa naman ang guro ng Bedans na si Rey Buena na mawawakasan na ng kanyang mga bataan ang kanilang anim na sunod na kamalasan matapos na magsagawa ng malaking adjustments.

Muling aasa ang Bedans sa mga balikat nina Arjun Cordero, Arnold Oliveros, Britt Carlo Rero-ma, Jeffrey Bombeo at Albert Casio.

Matapos ito, magtitipan naman ang San Sebastian at ang St. Benilde sa alas-5 kung saan ibig naman ng Stags na mapaganda ang kanilang 5-2 kartada.

At sa dalawang juniors games, maghaharap ang Red Cubs at ang Light Bombers sa alas-12 ng tanghali, bago isusunod ang sagupaan sa pagitan ng Staglets at Baby Blazers. (Ulat ni Maribeth Repizo)<

vuukle comment

ALBERT CASIO

ARJUN CORDERO

ARNOLD OLIVEROS

BABY BLAZERS

BEDANS

BRITT CARLO RERO

HEAVY BOMBERS

JEFFREY BOMBEO

RED LIONS

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with