^

PSN Palaro

2005 SEA Games sa Pilipinas?

-
Pagkatapos na pagkatapos ng Southeast Asian Games, sisimulan na ng bansa ang pag-aaral sa pagho-host ng naturang biennial meet sa taong 2005.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission Chairman Carlos "Butch" Tuason kahapon. "We’ll formally sit down after (next) month’s 21st SEA Games (in Malaysia).

Ayon kay Tuason, mayroon nang mga inisyal na plano sa pagiging punong abala ng bansa matapos makuha ng Philippines ang rights noong 1999.

Isa sa mga plano ay ang pagdaraos ng ilang events, swimming o kaya ay athletics, sa Clark Special Economic zone kung saan may pina-planong itayong modernong sports complex na inaasahang matatapos sa 2005.

Ayon kay Tuason, isang multi-sectoral body ang bubuuin alinsunod sa derektiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang manga-siwa sa pagho-host ng bansa.

Ito’y bubuuin ng kinatawan ng Philippine Olympic Committee, Department of Interior and Local Government, Tourism, Public Works and Highway, Budget at military at police.

Sinabi rin ni Tuason na ang ibang events ay gaganapin sa iba’t ibang parte ng bansa kabilang ang Visayas at Mindanao tulad ng isasagawa ng Malaysia na magdaraos ng events sa Penang, Johor Bahru bukod pa sa main venue nga Kuala Lumpur.

"this is the reason why we’ll go to Malaysia. To see how they’ll do it and also to find out the latest developments in hosting major events such as the SEA Games," pahayag ni Tuason.

AYON

CLARK SPECIAL ECONOMIC

JOHOR BAHRU

KUALA LUMPUR

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN CARLOS

TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with