3-in-1 boxing championships sa Iriga City
August 9, 2001 | 12:00am
Muli na namang aagaw ng atensiyon ang women boxing ngayong Oktubre kung saan idaraos ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang 2001 National Juniors, Seniors and Womens Open Boxing Championship sa Iriga City.
Nakatakda ang naturang three-in-one championships na ito sa Oct. 15-21 na mayroong kompetisyon sa walong weight categories para sa womens division na magsisilbing malaking tsansa para sa mga babaeng boksingero na mapasama sa 2004 Athens Summer Olympics. Mayroon naman ang juniors at seniors (mens) ng 12 weight classes sa dalawang nabanggit na division.
"We are including the womens division in this years National Open. Women Boxing is now being promoted worldwide and in the event this is included in the Olympics, the country will have another avenue," paliwanag pa ni Lopez.
Ayon pa kay Lopez ang mga puwede lamang sumali sa womens division ay ang mga boxers na hindi bababa sa 25 taon pagsapit ng Oct. 15 ngayong taon. Ang mga seniors naman ay di bababa sa edad 33 sa pagsapit din ng nasabing buwan, habang ang juniors ay hindi naman lalampas sa 17-taong gulang. Ang mga miyembro ng national training pool ay pinapayagang lumahok sa anumang koponan na kanilang mapipili.
Base sa tournament format, papayagan ang mga rehiyon na magpa-dala ng anumang bilang ng koponan na limitado lamang sa isang boxer bawat weight division. Gagamitin ang knockout system sa elimination.
Aabot na sa 40 koponan sa pangunguna ng defending seniors champion Philippine Army ang inaasahang magpapartisipa sa nasabing event na huling ginanap noong nakaraang taon sa Cotabato.
Ang mga event na lalahukan sa seniors division ay ang pinweight class (45 kgs.), light flyweight (48 kgs.), flyweight 61 kgs.), welterweight (67 kgs.), light middleweight (71 kgs.), middleweight (75 kgs.), lightheavyweight (81 kgs.) at heavyweight (91 kgs.)
Magsisimula ang juniors sa powderweight (36 kgs.) at mayroon ding mosquitoweight (38 kgs.), vacuumweight (40 kgs.) at paperweight (42 kgs.) hanggang weltwerweight, habang ang distaff side ay magsisimula sa kompetisyon mula sa pinweight hanggang welterweight.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest