^

PSN Palaro

Pangarap na 40 golds sa SEAG maaaring matupad

-
Posibleng matupad ang prediksyon nina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit at Philippine Sports Commission chairman Carlos Tuason na hindi bababa sa 40 ginto ang puwedeng maiuwi ng delegasyon ng bansa sa nalalapit na 21st Southeast Asian Games ngayong Setyembre sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dahil sa pagkakasama ng 22 Olympians at tatlong dating mga world champion sa delegasyon ng bansa, siguradong makapag-aambag ang mga ito ng awtomatikong ginto para sa inaasam na 40 golds ng 312 Filipino athletes na lalahok sa 29 mula sa 32 sports disciplines.

Kabilang sa kakampanya sa bansa ang 18 atleta na beterano ng nakaraang Sydney Olympics na sina Jennifer Chan ng archery, Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan ng athletics, Arlan Lerio, Larry Semillano at Romeo Brin ng boxing. Zardo Domenios at Sheila Mae Perez ng diving, Juan Carlo Piccio, Miguel Mendoza,Liza Danila at Jenny Guerrero ng swimming, Benjie Tolentino ng rowing, Jasmin Strachan, Roberto Cruz, Donald Geisler at Eva Ditan ng taekwondo at Jasmin Luis ng shooting.

Magpapakitang gilas naman ang 1996 veterans ng Atlanta Olympic na sina Elma Muros at Roy Vence ng athletics at Reynaldo Galido ng boxing kasama si Arianne Cerdeña na nanalo ng ladies singles gold noong 1988 Olympics sa bowling events kung saan ito ay isang demonstration sports pa lamang.

Nakakasiguro na rin ang bansa ng gold sa billiards event kung saan sasabak ang dating world champion na si Efren "Bata" Reyes, gayundin si Jethro Dionisio na kilalang matinik sa tudlaan kung saan tatlong ulit itong naging World Steel Challenge champion at ang gold medalist sa 1997 World Wushu Championship na si Michael Co.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang bansa na mapapasama ang RP men’s basketball team sa SEAG sa kabila ng pagkakasuspindi rito ng FIBA matapos ang matinding sigalot sa pag-aagawan ng puwesto nina Tiny Literal at Lito Puyat.

Ayon sa SEA Games Task Force, kanilang isinama sa listahan ang

line-up ng basketball team na personal na dadalhin ngayon ni RP chief of delegation Freddie Jalasco sa Kuala Lumpur at umaasa ito na sila ay papayagang makalahok kahit na may nakapataw na suspensyon ng FIBA.

ARIANNE CERDE

ARLAN LERIO

ATLANTA OLYMPIC

BENJIE TOLENTINO

CARLOS TUASON

CELSO DAYRIT

DONALD GEISLER

EDUARDO BUENAVISTA

ELMA MUROS

KUALA LUMPUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with