Line-up boxers sa SEA Games magsasagupa sa Quezon
August 7, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY--Magdaraos ang Amateur Boxing Association ng 16 eliminations bouts upang malaman ang pinal na kakatawan sa national team para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Setyembre at RP Womens Boxing team para sa World Boxing Championship sa Pennsylvania, U.S.A. sa Agosto 17 dito.
Ayon kay Quezon Governor Wilfrido Enverga, handang-handa na ang Quezon bilang punong abala ng boxingfest na ito sa tulong ni ABAP secretary general Arturo Vidal.
Ito ay gaganapin sa Quezon Convention and Training Center na tatampukan ng 22 boksingero mula sa Bago City sa Zamboanga, Cagayan de Oro, North Cotabato, Palawan, Quezon, Cebu, Davao, General Santos, NCR at Bacolod City.
Ang unang 11 bouts ay para sa SEA Games amateur boxing preview para mabuo ang national team, habang ang lima ay para naman sa RP womens boxing team.
Tampok ang mga weight categories na paglalabanan ay ang pinweight, lightweight, bantamweight, feather, light-welter, light middle at light heavyweight. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended