^

PSN Palaro

Golden Tigers walang binatbat sa Bulldogs

-
Binokya ng National University ang University of Santo Tomas sa huling 3:55 minuto ng sagupaan upang iposte ang 83-80 panalo sa pagpapatuloy ng 64th season ng UAAP men’s basketball tournament sa Loyola Gym kahapon.

Naghabol ang Bulldogs mula sa 73-80 pagkakalubog sa 4:40 minuto ng huling canto nang kumana ng 10-1 salvo na naging tuntungan nila sa ikatlong panalo matapos ang anim na laro.

Hindi nagawang makaporma ng Uste sa mahigpit na depensang inilatag ng Bulldogs na dahilan upang walang pumasok sa kanilang apat na pagtatangka na sinabayan pa ng limang errors.

"Ang instruction sa amin ni coach (Manny Dandan), kalimutan na namin yung talo namin sa La Salle. Dapat ang isipin namin kung paano kami makakabawi," pahayag ng team captain ng Bulldogs na si Chico Manabat.

Ang kabiguang ito ng four-peat titlist ang naglubog sa kanila sa miserableng katayuan matapos na malasap ang apat na kabiguan matapos ang isang panalo.

Naging mahigpit ang labanan ng laro kung saan hindi bumababa sa 10 puntos ang kalamangan ng dalawang koponan.

Hindi rin inalintana ng Bulldogs ang di paglalaro ni Archen Cayabyab na sinuspinde ng isang laro matapos ang 87-88 pagkatalo kontra sa defending champion De La Salle noong nakaraang Huwebes sanhi ng flagrant foul kay Mark Cardona sa huling segundo ng kanilang laban.

"Kumpiyansa kami na mananalo kami. We wanted this win for Archen, for the school and for ourselves," dagdag pa ni Manabat na tumapos ng 6 puntos. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ARCHEN CAYABYAB

CHICO MANABAT

DE LA SALLE

LA SALLE

LOYOLA GYM

MANNY DANDAN

MARIBETH REPIZO

MARK CARDONA

NATIONAL UNIVERSITY

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with