^

PSN Palaro

Sa NCAA Basketball Tournament: Red Lions tameme sa Altas

-
Naglutang ang University of Perpetual Help Rizal ng mainit na rally sa huling bahagi ng sagupaan upang maitakas ang 84-78 panalo kontra sa San Beda College sa pagpapatuloy ng 77th season ng NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Nagsikap sina Gilbert Malabanan at Chester Tolomia na ibangon ang Altas mula sa 19-puntos na pagkakalubog sa third canto upang ihatid ang UPHR sa kanilang ikatlong panalo matapos ang anim na laro.

Ang pagkatalo ng Red Lions ay lalo pang nagbaon sa kanila sa ilalim ng standings sanhi ng kanilang ikalimang talo matapos ang unang panalo.

Humakot sina Malabanan ng 29 puntos bukod pa ang 16 rebounds at dalawang assists, habang kumana naman si Tolomia ng 14 puntos, 15 rebounds at anim na assists.

Mula sa 19-puntos na bentahe 50-31, na tinampukan ng jumper ni Arnold Oliveros sa huling 15 segundo ng third canto, unti-unting kumulapso ang Bedans nang hindi nila masustinihan ang ibinabang rally ng Altas.

Ipinaghiganti naman ng Red Cubs ang pagkatalo ng kanilang senior counterparts nang kanilang bombahin ang Altal-letes, 127-55. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ALTAS

ARNOLD OLIVEROS

CHESTER TOLOMIA

GILBERT MALABANAN

MARIBETH REPIZO

RED CUBS

RED LIONS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA COLLEGE

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with