^

PSN Palaro

Falcons sinilat ng Eagles sa 64th UAAP basketball Tournament

-
Kumulapso ang Adamson University sa huling minuto ng maiinit na labanan at silatin ng Ateneo de Manila University, 62-61 upang maa-gaw ang solong liderato sa 64th UAAP men’s basketball tournament sa Loyola gym kahapon.

Ito ang ikatlong tagumpay ng Blue Eagles matapos ang apat na laro habang lalo pang nabaon sa ilalim na katayuan ang Falcons matapos na mabokya sa apat na laban.

Halos abot kamay na ng Falcons ang kanilang unang panalo, subalit hindi hindi nila natagalan ang matinding depensa ng Blue Eagles dahilan upang unti-unting bumagsak ang kanilang pundasyon sa huling maiinit na bahagi ng labanan.

Mula sa 62-59 pagkakalapit ng iskor, nabigyan ng pagkakataon ang Adamson na madala ang laro sa overtime, subalit sumablay ang pinakawalang desperadong tres ni Michael Yong matapos na depensahang mabuti nina Ramil Tagupa at Enrico Villanueva.

Mula sa 55-49 kalamangan ng Blue Eagles, nakahabol ang Falcons sa 57-56 sa pamamagitan ng 11-0 run na kaunaunahang pagkakataon na umabante ang Adamson patungong 1.49 segundo na lamang ang oras.

Sa junior division,tinalo rin ng Blue Eaglets ang Baby Falcons, 85-41.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

BABY FALCONS

BLUE EAGLES

BLUE EAGLETS

ENRICO VILLANUEVA

MANILA UNIVERSITY

MICHAEL YONG

MULA

RAMIL TAGUPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with