Nueva Ecija yuko sa Cebu sa MBA First Phase

CABANATUAN City-Tinabunan ng Cebuana Lhuillier ang pagkawala ni Matthew Mitchell at sumandig sa 16-9 run sa huling maiinit na bahagi ng laro upang igupo ang Nueva Ecija, 94-87 kagabi sa pagpapatuloy ng MBA first phase na ginanap sa Araullo Centrum dito.

Bunga nito kailangan ng Nueva Ecija na ma-sweep ang kanilang nalalabing huling tatlong asignatura at manalangin na matalo ang Laguna na may 5-6 kartada na kasalukuyang nakasalang kontra sa Davao habang sinusulat ang balitang ito.

Show comments