^

PSN Palaro

Purefoods TJ Hotdogs pasok na sa semis

-
Laking pasasalamat ni Purefoods coach Eric Altamirano at hindi pa nakapaglaro si Eric Menk para sa Tanduay, makaraang makakuha na ito ng kumpirmasyon na nagpapatunay na may dugong-Filipino ito mula sa Department of Justice.

"Kung naglaro si Eric (Menk), things could have been different," wika ni Altamirano matapos ang kanilang 82-74 pamamayani kontra sa Rhummasters sa quarterfinal round ng PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena, kagabi.

Inamin ni Altamirano na hindi naging madali ang kanilang tagumpay bagamat nagbalik aksiyon na si Andy Seigle na posibleng mawala uli dahil muling nakaramdam ng pananakit sa kanyang bukung-bukong.

"Andy is still a question mark coming into the semis," ani Altamirano. "He’s not yet ready. He hurt his ankle, I don’t know if it’s a part of the healing process or kung panibagong injury na naman. "

Sa katunayan, matapos umabante ng 19 puntos sa ikalawang quarter, kakabakaba pa ang TJ Hotdogs patungo sa huling 1:36 oras ng labanan nang makalapit ang Rhummasters sa 70-76 matapos ang three-point play ni import Kevin Freeman.

Umiskor si Rey Evangelista at import David Wood ng magkasunod na basket upang ilagay ang TJ Hotdogs sa panigurong 80-70 kala-mangan, 58 segundo na lamang ang nalalabing oras.

Makakalaban ng Purefoods sa kanilang best-of-five semifinal series ang mananalo sa pagitan ng Batang Red Bull at Barangay Ginebra na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.

Umarangkada sa ikalawang quarter ang Purefoods kung saan uma-bante ang TJ Hotdogs ng 19 puntos at tapusin ang first half na taglay ang 48-38 kalamangan.

Nagtulung-tulong sina Wood, Evangelista at Noy Castillo sa eksplosibong 21-4 run upang ibandera ng Purefoods ang 45-26 bentahe, 4:45 ang oras sa ikalawang quarter.

Sa kaagahan ng labanan, nakapagtala ang Tanduay ng 5 puntos na bentahe, 15-10, ngunit agad nabawi ng Hotdogs ang trangko sa pamamagitan ng 10-0 produksiyon.

Walang nagawa si Menk kundi panoorin lamang ang Rhummasters, dahil hindi ito pinahintulutan ng PBA na makapaglaro ngayon kundi sa ikatlong kumperensiya pa.

Nauna rito, naisaayos na ng defending champion San Miguel Beer at Alaska Aces ang kanilang best-of-five semifinal showdown matapos ang kanilang magkahiwalay na tagumpay noong Miyerkules.

Apat na Hotdogs ang nagtala ng double-digit score sa pamumuno ni Castillo na may 16 puntos.(Ulat ni Carmela Ochoa)

ALASKA ACES

ALTAMIRANO

ANDY SEIGLE

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

CARMELA OCHOA

DAVID WOOD

PUREFOODS

RHUMMASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with