UAAP Men's Basketball Tournament; Falcons di umubra sa Warriors

Pinabagsak ng defending champion DLSU Green Archers ang UST Growling Tigers 87-73, habang dinomina ng University of the East ang laro kontra sa Adamson University tungo sa 74-58 panalo kahapon sa pag-usad ng eliminations ng UAAP men’s basketball tournament na dumako sa PhilSports Arena.

Agad kumamada ang Warriors sa simula ng laban nang kanilang limitahan sa tatlong puntos lamang ang Adamson Falcons kontra sa kanilang 19 puntos sa unang quarter.

Nalimitahan ang Adamson sa 0-of-6 field goal shooting kumpara sa 7-of-20 ng UE Warriors sa unang canto na kanilang naging puhunan sa ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong pakikipag-sagupa.

Umabante pa ng hanggang 20 puntos ang UE na di na natibag pa ng Falcons na lumasap ng tatlong sunod na pagkatalo sa gayon ding dami ng laro.(Ulat ni Carmela Ochoa)

Show comments